Wednesday, December 19, 2012

Ang Panimula




Sa anumang klase ng bagay ang panimula ang pinaka mahirap na umpisahan. Maaari ang dahilan nito ay ang kawalan ng tulak ng lakas ng loob upang mabago ang simula ng panibagong lakbayin.

At marahil ito din ang aking rason kaya nahihirapan akong magsulat ng aking unang pormal na pagpapakilala. Ngunit hindi na siguro kailangan banggitin pa ang aking pangalan, edad, address, height, weight, civil status at trabaho upang makilala niyo ako ng lubos. Sa palagay ko'y sapat na ang mga ipapaskil ko dito sa aking blog upang makilala niyo ang  taong mahilig sa Isang Platito ng Mani.

Eh bakit nga ba ako nahilig sa mani?

Secret, walang clue!

Sa susunod ko na lang sasabihin, kung meron man. Hanggang dito na muna, sa uulitin muli.

-WAKAS-

No comments:

Post a Comment